Nakatulog ka na naman habang tayo'y nasa telepono
Alas-2 ng madaling araw, rinig na rinig ko ang hilik mo
At sa aking pagpikit, ako'y napapangiti
Ganito tayo gabi-gabi ngunit ako'y kilig na kilig pa rin
'Pag ikaw ang kasama, kahit sa'n mapadpad
Kahit sa'n mapunta, okay lang ako
'Pag ikaw ang katabi, kahit ano'ng pag-usapan
Basta't kamay mo ang hawak, okay na ako
Okay na ako
Okay na ako
Okay na ako
Nakatulog na naman ako habang hinahatid mo 'ko sa bahay ko
Pagod ka sa pagmamaneho mo pero pinagtawanan mo lang ako
At sa iyong yakap rin ako umuuwi
Sa bawat araw na lumipas, ang pinipili ko'y ikaw pa rin
'Pag ikaw ang kasama, kahit sa'n mapadpad
Kahit sa'n mapunta, okay lang ako
'Pag ikaw ang katabi, kahit ano'ng pag-usapan
Basta't kamay mo ang hawak, okay na ako
Okay na ako
Okay na ako
Okay na ako
Nakatulog na naman tayo, paggising ko'y humihilik ka sa tabi ko
Nakahiga sa mga bisig mo, ang naiisip lang ay okay na ako